|
Filipino_NeedLegalHelp
Kailangan ninyo ba ng tulong na panglegal? PDF Format
View this Factsheet in English PDF Format
Kailangan ninyo ba ng tulong na panglegal? - Audio
Kailangan ninyo ba ng tulong na panglegal?
Ano ang LawAccess NSW?
Ang LawAccess NSW ay isang walang bayad na serbisyo sa telepono ng gobyerno na nagbibigay ng mga impormasyon sa legal na tulong, mga reperal at sa ilang kaso, payo para sa mga taong may problemang legal sa NSW. Partikular na tinutulungan namin ang mga tao:
- na nakatira sa rehiyonal, rural at malalayong lugar ng NSW
- na Katutubo at Taga-Pulo ng Torres Strait
- na may kapansanan
- na nagmula sa iba’t ibang kultura at wika (CALD)
- na nanganganib na masaktan
- na may mahigpit na problemang panglegal
Paano kami makakatulong sa inyo?
Kung kayo ay patungo sa korte, mayroong problemang panglegal o mayroong katanungan tungkol sa batas, maaaring matulungan namin kayo. Mayroon kaming mga Pinuno ng Serbisyong Pangkliyente na maaaring:
- magbigay ng legal na impormasyon sa telepono
- magpadala sa inyo ng nakasulat na impormasyon
- maglipat sa inyo sa ibang serbisyong panglegal o kaugnay na maaaring makatulong sa inyo, halimbawa, kung nais ninyo ng harapang panglegal na payo
- sa ilang kaso, magsasaayos ang isa sa aming mga Abogado na bigyan kayo ng payong panglegal sa telepono
Sa anong uri ng legal na problema maaari kaming makatulong sa inyo?
Maaari naming tulungan kayo sa ilang mga legal na problema kasama ang:
- utang at kredito
- batas pampamilya
- alitan ng magkakapitbahay
- mga multa at mga paglabag sa trapiko
- batas sa pagtatrabaho
- batas kriminal
- karahasan sa pamilya at tahanan
- batas konsyumer
- mga aksidente sa sasakyan
- pagpaplano nang maaga (mga testamento, pagbibigay ng kapangyarihan, at matagalang pag-aalaga)
at pangkalahatang impormasyon tungkol sa batas at sa inyong sarili.
Maaari ba kayong kumuha ng impormasyong legal sa online? Oo sa www.lawaccess.nsw.gov.au
Ang aming website ay isang mahusay na simula sa pananaliksik ng impormasyon tungkol sa batas at mga isyung panglegal.
Maaari ninyong gamitin ang aming website upang makakuha ng:
- madaling basahing pinagkukunang panglegal tulad ng mga papel pang-impormasyon, mga porma at lathalain mula sa iba-t ibang legal na serbisyo ng gobyerno at di-gobyerno tulad ng Legal Aid NSW, Community Legal Centres (Mga Sentrong Panglegal ng Komunidad) at mga Korte
- madaling hanaping impormasyong panglegal sa ilalim ng ilang pamagat tulad ng Utang, Batas Pampamilya at mga Kapitbahay
- Ang LawAssist ay isang serye ng mga giyang praktikal para sa mga taong kumakatawan sa sarili sa Hukumang Lokal
Maaari ba akong kummuha ng Payong Panglegal mula sa LawAccess NSW? Mayroon kaming mga abogado na maaaring magbigay ng payong panglegal sa telepono. Ngunit, hindi namin maaaring ibigay sa lahat ang payong legal.
Ang legal na pagtatanong ay kailangang natugunan ang aming mga giya upang makakuha ng payong panglegal at kailangang naaangkop sa napag-usapan sa telepono.
Kailangan ba ninyong kumuha ng pribadong abogado? Kung kailangan ninyo ng tulong ng isang pribadong abogado, maaari kaming makipagtulungan sa Law Society of NSW na magpadala sa inyo ng pangalan ng tatlong pribadong abogado sa alinmang lugar sa NSW o lugar ng batas sa pamamagitan ng koreo, paks o e-mail.
Maaari ba akong kumuha ng Legal Aid?
Ang aming mga Pinuno sa Serbisyong Pangkliyente ay maaaring tumulong sa inyo na alamin kung ang Legal Aid (Tulong na Legal) ay makukuha para sa inyong legal na problema at kung nakakatugon kayo sa test sa pagkakaroon ng Legal Aid.
Ang aming mga Pinuno sa Serbisyong Pangkliyente ay maaari ding tumulong sa inyo na punuan ang porma sa aplikasyon sa Legal Aid sa pamamagitan ng telepono.
Kung kailangan ninyo ng legal na tulong:
Maaari ninyo kaming tawagan sa 1300 888 529 sa pagitan ng 9n.u. at 5n.h, Lunes hanggang Biyernes (hindi kasama ang mga pampublikong holiday).
Kung mayroon kayong kapansanan sa pandinig o pagsasalita, maaari ninyong tawagan kami sa paggamit ng Teleponong Typewriter (TTY) sa 1300 889 529.
Kung nais ninyong kausapin kami sa tulong ng isang tagapagpaliwanag, maaari kayong tumawag sa Serbisyo sa Pagsasalin at Pagpapaliwanag (TIS) sa 131 450. Ang TIS ay isang libre at kompidensiyal na serbisyo.
Ang LawAccess NSW ay isang inisyatibo ng Department of Attorney General and Justice, Legal Aid NSW, Law Society of NSW at NSW Bar Association.
|